-- Advertisements --

Pumapalo na sa 98.8 percent ang enrollment rate na naitala ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2020-2021.

Pahayag ito ni DepEd Sec. Leonor Briones nitong umaga sa pagdinig ng House committee on appropriations sa P568 Billion 2021 budget ng kagawaran.

Ayon kay Briones, umaabot na sa 24.4 Million na ang bilang ng mga estudyante na nakapagtala hanggang ngayong umaga para sa pasukan sa darating na Oktubre 5.

Umakyat na rin sa 48 percent ang enrollment rate para naman sa mga private schools sa ilalim pa rin ng ipapatupad na blended learning.

Mas mataas ito ng bahagya kumpara sa 36 percent na naitala noon namang Hunyo.