Reading Time: 1 minute
Demafelis killers

ILOILO CITY – Nahatulan na ng guilty ng Syrian District Criminal Court ang employer ng overseas Filipino worker (OFW) na si Joana Demafelis ng Sitio Cordero, Barangay Ferraris, Sara, Iloilo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs DFA, guilty sa kasong murder si Mouna Ali Hassoun.

Samantala, hinatulan din sa parehong kaso ang asawa ni Hassoun na si Nader Essam Assaf sa Lebanon.

Kung maaalala, malamig na bangkay na nang matagpuan si Demafelis na nakasilid pa sa freezer sa loob ng isang abandonadong apartment sa Kuwait noong February 2018.

Ang brutal na sinapit ni Demafelis ang nagtulak kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang pagpapadala ng mga Filipino workers sa Gulf State.

Sinuguro naman ng DFA na patuloy ang ibinibigay na legal assistance sa pamilya ni Demafelis hanggang sa tuluyang makuha nila ang inaasam na hustisya.