-- Advertisements --

Nakatakdang makauwi na sa Pilipinas ang 24 na Filipino na nakakulong sa Russia.

Ang nasabing balita ay matapos ang ginawang dalawang araw na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Russia kung saan nakausap niya personal si President Vladimir Putin.

Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez na darating ang mga Filipinos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ng madaling araw ng Linggo, Hunyo 21.

Mayroong dalawang batch ang darating sa bansa na ang anim sa kanila ay darating ng 12:05 ng umaga lulan ng Philippine Airlines Flight PR 737 habang ang 18 iba naman ay dakong 4:05ng umaga sa pamamagitan ng Philippine Airlines Flight PR 733.

Ang dalawang flight ay manggagaling sa Bangkok, Thailand.

Dagdag pa ni Gomez na tiniyak sa kanila ng Philippine Embassy sa Bangkok, na magbibigay sila ng tulong sa 24 mga Filipinos.

Sasalubungin ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang unang batch ng mga pinauwing Pinoy mula sa Russia.