gensan relief goods residente calamity

GENERAL SANTOS CITY – Tinilian ng kanyang mga fans si Robin Padilla nang dumating sa lungsod at namigay ng tulong sa mga nasunugan sa San Cruz Silway, Brgy. West sa siyudad ng GenSan.

Nag-alay ng dalawang awitin ang actor sa mga residente matapos na nag-abot ng food packs kasama si Senator Christopher “Bong” Go.

Una rito, lumapag sa GenSan Airport ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na may dalang 500 mga sleeping kits, 166 food packs at 50 units ng tents.

Ayon kay Cezario Joel Espejo, regional director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bahagi ng mga relief supplies ay ibibigay sa iba pang lugar na matinding naapektuhan ng magnitude 6.6 na lindol noong araw ng Martes.

Una rito, binisita na ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang mga lugar na apektado ng lindol sa rehiyon.

PAF plane cargo relief