joel embiid sixers
Philadelphia 76ers Joel Embiid (photo from @sixers)

Bumida si Joel Embiid sa kanyang season-high na 38 points at 13 rebounds upang pangunahan ang panalo ng Philadelphia 76ers sa 115-109 laban sa Boston Celtics.

Sa fourth quarter lamang ay kumamada ng 16 points si Embiid, kung saan nagawa niyang maipasok ang lima sa anim na free throws sa huling 26 seconds upang mapigilan ang pagtatangka ng Boston.

Malaking tulong din ang naiambag ni Tobias Harris sa kanyang 23 points, eight rebounds at seven assists para sa ikaapat na sunod na panalo ng 76ers (19-7).

Sa panig ng Boston (17-7) nasayang ang diskarte ni Kemba Walker na nagpakita ng 29 points.

Ito ang unang talo ng Boston ngayong season sa kanilang homecourt.

Sa next game sa Sabado ng Sixers host sila laban kontra Pelicans.

Ang Celtics naman ay tutunguhin ang Dallas sa Huwebes.