-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang mga naging datos ng mga election-related incidents ngayong halalan kumpara sa mga nakaraang eleksyon.

Batay sa datos ng PNP-Public Information Office (PNP-PIO), bumaba ng 53% ang kabuuang porsyento ng mga naitalang ERI’s ngayong katatapos lamang na botohan.

Ang naging basehan ng datos na ito ay dahil sa mga naitalang 49 na mga insidente na siyang masusisng bineripika at na-validate ng PNP.

Ang bilang naman na ito ay mas mababa kumpara sa naitalang 103 na mga insidente noong nagdaang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nitong nakaraang taon.

Nakikita naman ng PNP na ang mga naging pagbaba ng mga insidente ngayong eleskyon ay patunay lamang ng kanilang matapang na paninindigan para tuparin ang kanilang mga naging natanggap na direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mula rin kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na panatilihing maayos at payapa ang naging halalan.

Kasunod nito ay pinasalamatan ng PNP ang kanilang mga kapulisan sa buong bansa para sa kanilang matapat na pagganap sa kanilang mga naging tungkulin nitong katatapos lamang na eleksyon at para na rin sa kanilang ipinamalas na sipag, tiyaga at kagitingan sa kanilang sinumpaang mandato.

Maliban dito ay binigyang diin rin ng PNP na ito ay nagpapakita lamang ng mataas na pagpapahalaga ng mga kapulisan sa kanilang propesyonalismo at nagpapakita lamang na ang kanilang tunay na hangarin ay maglikod sa taong bayan.

Samantala, kasalukuyan naman nanag ibinaba sa hightened alert status ang buong estado ng mga kapulisan sa buong bansa maliban sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa patuloy na isinasagawang election paraphernalia returns sa Commission on Elections (Comelec).