Umapela si EDSA Shrine Rector Rev. Fr. Jerome Secillano, Rector sa mga lalahok sa nakatakdang “Trillion Peso March” sa araw ng Linggo (Sept. 21), na dumalo muna sa banal na misa bago magtungo sa People Power Monument.
Ang People Power Monument ang isa sa mga magsisilbing venue ng malawakang rally na inorganisa ng maraming grupo.
Ayon kay Fr. Secillano, ang rally ay nataon sa araw ng Lingo, at ang duty ng bawat isa sa Diyos ay hindi natitigil kahit pa sa paggampan ng tungkulin sa bayan.
Giit ng pari, hindi rin dapat magkaroon o mabahiran ang misa ng ‘tone of protest’ para hindi maapektuhan ang mga mananampalatayang angtanging hangad ay manalangi at makibahagi sa banal na misa sa naturang araw.
Nakatakdang ganapin ang misa sa tanghali (12NN) ng naturang araw sa EDSA Shrine.
Ito ay dalawang oras bago ang nakatakdang rally mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.
Inaasahang mapupuno ng mga ralyista ng People Power Monument sa kanto ng EDSA Avenue at White Plains, Quezon City, kung saan nakatakda ang ilang programa.
Umapela rin si Fr. Secillano sa publiko na ipanalangin ang gabay ng Diyos para sa mga bagay na gagawin ng bawa’t isa para sa bansa.