Nangako si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na patuloy niyang ipaglalaban na labanan ang katiwalian sa bansa.
Matapos magsalita sa Trillion Peso March noong Nobyembre 30, ginamit niya naman ang kanyang social media noong Disyembre 1 upang himukin ang pamahalaan na aksyunan ang korapsyon.
Sa kanyang Instagram post, sinabi niya na “Hindi lang pera ang ninakaw kundi ang kinabukasang ipinagdarasal natin para sa mga anak natin… Flood control pa lang ‘yan —paano pa ang edukasyon, agrikultura, healthcare, ports, airports, taxes?”
Binanggit din ni Catriona na ang epekto ng katiwalian sa kinabukasan ng mga Pilipino at sa iba’t ibang sektor.
Dagdag pa ng dating beauty queen: “Kailan tayo muling magsisimulang umasa? Pilipinas… ang hirap mong mahalin, pero sa oras ng laban, hindi ka namin iiwan.”
Spotted rin sa rally noong Nobyembre 30 sina Carmi Martin, Bibeth Orteza, Pinky Amador, at Maris Racal, na nagpakita ng suporta sa accountability at transparency ng pamahalaan.
















