Pagpapasyahan ng NBA ang mga ikokonsiderang sasabak na game staff sa pagbabalik ng laro sa kabila ng coronavirus pandemic.
Batay sa ulat, kabilang sa mga ikinababahala ng pamunuan ay ang kalusugan at kalagayan ng kanilang mga tauhan.
Sa pahayag ng Centers for Disease Control and Prevention, nasa 65-anyos pataas ang mas lantad sa panganib na dulot ng COVID-19.
“Based on all the information that we have today, probably people over 60 with preexisting conditions can’t go, for sure, no matter what their titles are,” saad ng pamunuan.
“Whether it’s a father of the star player or whether it’s the general manager of the team, they can’t go there.”
Sa kasalukuyan, mayroong anim na NBA head coaches na nasa edad 60 pataas.
Kasama na rito sina Alvin Gentry ng New Orleans Pelicans, 65; Mike D’Antoni, Houston Rockets, 68; at Gregg Popovich, San Antonio Spurs.
“The one area you don’t want to skimp on is the medical. The coaching part of it, you could probably get by with a head coach, that’s it.”