-- Advertisements --

Nabigyan ng numero 3 si Chris Paul sa muling pagbabalik niya sa Los Angeles Clippers.

Sinabi ni Clippers president of basketball operations Lawrence Frank, na pumayag si Bradley Beal na ipagamit na lamang ang numero nito kay Paul.

Mula kasi ng malaman ni Beal ang pagbabalik ni Paul ay boluntaryo itong ipamahagi ang numero niya.

Nakilala kasi si Paul sa palayaw niyang “CP3” mula ng magsimula ito sa NBA noong 2005.

Noong nakaraang season kasi ay naglaro si Paul sa San Antonio Spurs kung saan ibinigay din ni Keldon Johnson ang numero 3 nito.

Itinuturing ni Paul na ang 21st season niya sa koponan ay siyang huling paglalaro na sa NBA.