-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pope Leo XIV ang isang makasaysayang final mass nitong Linggo para sa mahigit isang milyong kabataang Katoliko mula sa buong mundo.

Nabatid na ito na ang huling misa ng Santo Papa na bahagi ng isang malaking youth pilgrimagena na nagtipon ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa upang ipagdiwang ang Jubilee holy year na may temang pananampalataya, pagkakaisa, at pag-asa.

Sa buong linggo, umabot sa 500,000 kabataan ang dumating sa Roma, at noong Sabado ng gabi, iniulat ng mga organizer na umabot ito sa 800,000 ang mga dumalo sa vigil.

Nitong Linggo, tumaas pa ito sa isang milyon.

Marami sa mga dumalo ay nag-camp sa labas, natulog sa mga tent, sleeping bag, o banig habang naghihintay sa misa.

Ang misa ay isinagawa ng tanghali, at pinangunahan ng Santo Papa na dumating sa pamamagitan ng isang helicopter.

Bukod dito ang misa ay sinamahan pa ng mga awit mula sa isang choir sa isang malaking entablado na pinalamutian ng gintong arko at malaking krus.