-- Advertisements --

Pumayag na si Mikal Bridges na pumirma ng contract extension sa New York Knicks.

Ang bagong kontrata ay nagkakahalaga ng $150 million at magtatagal ng apat na taon.

Tinanggap ng tinaguriang NBA ironman ang naturang kontrata sa kabila ng mas mataas sanang matatanggap kung hinintay niyang magpasok ang kaniyang kasalukuyang kontrata sa susunod na taon.

Unang nakuha ng Knicks ang 2-way guard nitong nakalipas na season kapalit ng limang 1st-round pic. Agad nagpakita ng magandang performance si Bridges kasama ang kaniyang dating mga teammate na sina Jalen Brunson at Josh Hart.

Sa kasalukuyan, si Bridges ang tanging player sa NBA na nakakapaglaro sa bawat game sa loob ng ilang taon. Hawak din niya ang impresibong 17.6 points per game average.

Noong 2021, si Bridges ang isa sa mga pangunahing player na nagdala sa Phoenix Suns sa NBA Finals. Sa sumunod na taon ay naging runner-up siya para sa Defensive Player of the Year.

Sa huling bahagi ng 2024-2025 season, nagawa niyang mag-average ng 26.1 points per game sa ilalim ng Knicks, daan upang tuluyang makapasok ang koponan sa Eastern Conference Finals.