-- Advertisements --

Tinanghal bilang 2025 NBA Summer League Most Valuable Player (MVP) si Utah Jazz center Filipowski.

Ang bagitong bigman ay gumawa ng 29.3 points per game at 7.7 assists per game sa naturang turneyo na dinaluhan ng kaniyang mga kapwa rookie at sophomore NBA players.

Napanatili niya ang 56% shooting sa kabuuan at naging impresibo rin ang mga pinakawalang 3-point shots na umabot sa halos 40%.

Bagaman hindi naging maganda ang performance ng Utah sa buong turneyo, naging sapat na ang episyenteg performance ni Filipowski upang ibigay sa kaniya ang MVP award sa pagtatapos ng laban.

Samantala, sa pagtatapos ng Summer League ay kinoronahan bilang champion ang Charlotte Hornets.

Hinarap ng koponan ang Sacramento Kings sa finals game at nagawa ng Charlotte na duminahin ang laban, 83-78.

Naging malinis ang record ng Hornets na 6-0 sa kabuuan ng turneyo.