-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad sa Southern California si dating NBA superstar Gilbert Arenas.
Ayon sa mga otoridad na mayroong pinapatakbo ang 43-anyos na NBA player na iligal na sugalan.
Base sa federal prosecutors na ang dating Washington Wizards guard kasama ang limang iba pa ay nagrenta sa Encino mansion at doon isinagawa ang high-stake card games mula Setyembre 2021 hanggang Hulyo 2022.
May mga empleyado pa ang mga ito para magsilbi sa kanilang sugalan na kinabibilangan ng guwardya at mga waiters.
Nahaharap an ang mga ito ng kasong conspiracy to operate illegal gambling business at operating an illegal gambling business.