-- Advertisements --

Pag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papalawigin ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na kanilang titignan muna ang buong kalagayan sa pagtatapos ng ECQ sa darating na Abril 4.

Galvez IATF Duterte PRRD

Samantala inilagay din ng Pangulo ang Quirino Province sa modified ECQ simula sa Abril 1 hanggang 15, 2021, habang ang Santiago City sa Isabela ay ilalagay sa MECQ mula Abril 1 hanggang Abril 30, 2021.

Nakalagay naman sa general community quarantine mula Abril 1- 30 ang mga lugar ng Cordillera Administrative Region, Cagayan-Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay inilagay sa MGCQ.

-- Advertisement --