Hindi sinang-ayunan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang hirit ng Trade Union of Congress of the Philippines (TUCP) na taasan ang contributions ng mga manggagawa sa Philippine Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig Fund.

Ayon kay ECO President Sergio Ortiz Luis, masyadong mabigat na ang hiling ng TUCP na itaas sa P300 ang Pag-Ibig contributions ng mga manggagawa mula sa dating P100.

Dagdag pa nito na makakayanan lamang ng kanilang grupo ay dagdag P50 sa kasalukuyang P100 contribution ng mga members.

Paglilinaw naman ng ECOP president bukas sila sa pag-uusap para sa pagtataas ng Pag-Ibig contributions ng mga manggagawa.