-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-List Rep. at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ang pagpasa sa huling pagbasa ng dagdag na P200 sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa mga private companies.

Ang House Bill (HB) No. 11376 ay nakakuha ng 171 na boto sa huling pagbasa nito.

Ayon sa mambabatas na ang nasabing pagpasa ng batas ay nagpapakita ng tagumpay para sa mga minimum wage earners.

Umaasa ito na agad itong maaprubahan sa senado at mapirmahan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.