-- Advertisements --

Humihingi ang business group na Management Association of the Philippines (MAP) na dapat ay magkaroon ng mga serye ng konsultasyon sa bago ipatupad ang P200 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners.

Ayon kay MAP president Alfredo Panlilio , na dapat ay huwag munang magpadalos-dalos ang gobyerno at tignan muna ang magiging epekto nito sa ekonomiya.

Iginiit nila na kanilang sinusuportahan ang insiyatibo para sa pagpapaganda ng pamumuhay ng mga minimum wage workers at ang kanilang mga pamilya.

Hinikayat din nila ang bicameral committee na maingat nilang ikonsidera ang potensyal na epekto nito lalo na sa mga maliliit na negosyante.

Nanindigan ang grupo na ang problema sa bansa ay hindi ang mababang pasahod at sa halip ay ang mga matataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.