Nakasama ang kantang “Dynamite” ng BTS sa best song of all time ng Rolling Stone Magazine.

Nasa 346 ang nasabing kanta sa 500 Best Songs of All Time.

Ito ang unang pagkakataon na muling inilabas ng Rolling Stones ng 500 Best Songs of All Time matapos ang 17 taon.

Nakasaad sa artikulo na ang nasabing kanta ay naging numero uno sa US.

Inilabas ang nasabing kanta noong Agosto 21, 2020 na ilang linggong naging no.1 sa Billboard Hot 100.

-- Advertisement --

Hawak din ng nasabing kanta ang ilang record gaya ng pagkakaroon ng maraming views sa YouTube at most views na music videdo sa loob ng 24 na oras.

Nabuo ang grupo noong 2013 na mga miyembro na sina RM, Jin, SUGA, J-Hope, V at Jongkook.