Columbian Dyip
Columbian Dyip/ PBA image

Binigo ng Columbian ang Blackwater 102-90 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Pinangunahan ni Rashawn McCarthy ang panalo ng Dyip na nagtala ng 25 points.

Mula sa unang quarter ay hawak ng Dyip ang kalamangan at hindi na hinayaan na mahabol pa ito ng Blackwater.

Ikinatuwa naman ni Columbian Dyip coach Johnedel Cardel ang panalo dahil tila nakabangon na sila a dalawang sunod na pagkatalo.

Nasayang naman ang ginawang 26 points ni Aaron Fuller na siyang pumalit kay Marqus Blakely bilang import ng Blackwater.