Muling humiwalay si Dwight Howard sa Los Angeles Lakers upang kunin ang one-year deal na alok ng Philadelphia 76ers.

Ito naman ang kinumpirma ng kanyang agent na si Charles Briscoe sa ESPN.

Sinasabing ang deal ay para sa veteran center ng minimum $2.6 million.

Howard
NBA center Dwight Howard

Si Howard, 34, ay itinuturing ngayon na isa pinakamagaling sa kanyang henerasyon na may career averages na may 16.7 points, 12.3 rebounds at 1.9 blocks per game.

Una na siyang pumirma ng isang taon na kontrata sa Lakers sa halagang $2.56 million noong Agosto 2019.

Ang kanyang pagbabalik sa Los Angeles ay matapos na umalis din siya sa team noong taong 2013.

Si Howard ay eight-time All-Star at three-time Defensive Player of the Year.

Kamakailan lamang ay nakatikim siya ng unang NBA championship sa kanyang ika-16 na season.