Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na babangon ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa kabila ng walang katiyakan bunsod ng COVID-19.
Sa kanyang mensahe para sa ika-54 founding anniversary ng ASEAN, sinabi ni Pangulong Duterte na tiwala siyang magpapatuloy ang regional bloc katulad na lamang ng mga napagtagumpayang suliranin sa mga nakalipas na taon.
“ASEAN will continue to rise to present challenges and lead the region with renewed sense of purpose and an even firmer commitment to the ideals of peace, freedom and prosperity,” ani Duterte.
Katulad nga rin sa nakaraan, anumang hamon ay kayang lampasan dahil na rin sa pagkakaisa ng bawat member states,
“We in ASEAN are no stranger to difficult times that test our capacity to act together and surmount challenges. But our enduring bonds of amity and solidarity have always pulled us through,” dagdag pa nito.
Agosto 8, 1967 nang maitatag ang ASEAN ng limang founding members, na kinabibilangan ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, at Thailand.