Reading Time: 1 minute
Moscow russia ofw
President Duterte with Filipino performers in Moscow, Russia (photo by Alfred Frias/Presidential Photo)

Nagbigay kulay ang presensiya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na Philippine Cultural Gala Performance sa Moscow, Russia bilang bahagi ng kanyang five-day official visit.

Ang panonood ng Presidente ay ginanap sa Four Seasons Hotel kasama ang ilang mga Cabinet officials kabilang na sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Sen. Bong Go, House Speaker Alan Cayetano, PCOO Sec. Martin Andanar at marami pang iba.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang Russian Ambassador to the Philippines na si Igor Khovaev.

Matapos ang show ay nagbigay pugay ang Pangulong Duterte at mga guests sa mga Pinoy performers kung saan binigyan ang mga ito ng standing ovation.

Nakisalamuha rin naman ang chief executive sa mga kababayan para makadaupang palad at magpakuha ng larawan.

Nitong araw ng Linggo ang inaasahang pagbabalik ng delegasyon ng Presidente sa Pilipinas bilang pagtatapos sa ikalawang pagbisita sa bansang Russia.