Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na nananatiling alerto laban sa iligal na droga sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kasunod ito ng pagkakakumpiska ng P5.1 billion halaga ng shabu sa Bulacan sa pangunguna ng PNP-Drug Enforcement Group.
Sa public address ni Pangulong Duterte sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Panacan, Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte na binabati niya ang PNP at si Chief PNP Archie Gamboa sa pamamagitan ng isang snappy salute.
Ayon kay Pangulong Duterte, kakausapin niya ang mga pulis at si Gen. Gamboa pagbalik nito sa Manila kasunod ng matagumpay na operasyon.
Inihayag ni Pangulong Duterte na sa kabila ng COVID-19 pandemic, patuloy sa pagtatrabaho ang mga pulis kahit pa pwede silang mahawa sa virus.