-- Advertisements --

Muling ipinagtanggol ng Office of the Vice President ang ginawang pagbiyahe sa ibang bansa ni Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito sa pinakahuling pagbiyahe sa Kuwait para makisalamuha sa mga Filipino community doon.

Ayon sa OVP na lahat ang mga biyahe sa ibang bansa ni Duterte ay ‘official engagement’ alinsunod sa ipinapatupad na regulasyon ng gobyerno.

Paglilinaw nila wala ng pondo ng gobyerno ang ginamit sa nasabing mga biyahe.

Natitiyak ng OVP na kahit nasa ibang bansa nagagampanan pa rin nito ang trabaho sa bansa.

Magpapatuloy pa rin itong magtatrabaho para sa tuluyang pagpapalaya ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.