Panelo
Presidential Spokesman Salvador Panelo

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Oil Company Exploration Corp (PNOC-EC) chief executive officer (CEO) Atty. Pedro Aquino, Jr.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dahil daw sa kawalan na ng tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya pinapasumite na nito si Aquino ng kaniyang resignation letter.

Dagdag pa ni Panelo, natuklasan ng Pangulo ang pagkakasangkot umano ni Aquino sa kurapsyon.

Hindi naman binanggit ni Panelo ang mga reklamo o katiwalian na kinasasangkutan ni Aquino.