Reading Time: 2 minutes
duterte with quiboloy
Pres. Duterte as special guest of Pastor Apollo Quiboloy (photo grab from “Give Us this Day” program of SMNI)

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at maging sa PNP-CIDG na isara na operasyon ng KAPA Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon ni Pastor Joel Apolinario.

Sa panayam ni Pasto Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na syndicated estafa ang ginagawa ng KAPA kaya dapat na itong matigil agad.

Ayon kay Pangulong Duterte, kahit Bangko Sentral o Bank of America ay hindi magbibigay ng 30 porsyentong kita sa ilalagak na investment, gaya ng ipinapangako ng KAPA sa kanilang mga miyembro.

Kaya paulit-ulit ang babala ni Pangulong Duterte sa publiko na huwag paloloko sa ganitong pyramiding scam na nangangako na aniya’y “too good to be true.”

“You are into syndicated estafa that is why NBI, sarhan mo na sila at dalhin mo doon sa.. upon my orders, upon my orders, otherwise I said, do not..” ani Pangulong Duterte.

Note: Pls click above President Rodrigo Duterte’s statement on KAPA or KABUS PADATOON

Ang pahayag ng Pangulong Duterte ay kasunod nang pag-isyu ng freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa KAPA at ang serye ng mga paalala ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Maging sa Albay kinumpirma doon ni SEC Legazpi Extension Office OIC director Atty. Norma Olaya na natanggap nila ang kautusan mula sa central office may kaugnay sa AMLC order.

Nangangahulugan aniya ito na hindi magagamit ng KAPA ang anumang assets habang hindi makakapag-withdraw ng pera sa bangko.

Kaugnay nito, nag-abiso rin ang SEC Legazpi na mag-ingat sa investment-taking activities ng KAPA at iba pang investment schemes kasabay nang pagtiyak sa paghihigpit sa investor protection.

Kung maaalala una na ring naglabas ng cease and desist order (CDO) ang SEC laban sa operasyon ng KAPA.