Duterte signing
Pres. Rodrigo Roa Duterte/ file image

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan ng maging batas ang “Bayanihan to Heal as One Act” o ang nagbibigay sa kaniya karagdagang kapangyarihan para mapaigting ang paglaban ng gobyerno sa coronavirus 2019 o COVID-19.

Isinagawa ang pagpirma ng pangulo nitong hating-gabi ng Miyerkules isang oras matapos ang kaniyang isinagawang national address.

Ang nasabing “Bayanihan to Heal as One Act” ay naipasa ng senado at House of Representative ng madaling araw na ng Martes.

Nauna ng sinabi ng Malacañang na ang batas ay bilang matinding kasagutan ng gobyerno sa banta ng nasbing virus.

Nakasaad sa batas ang pagbibigay tulong ng gobyerno sa mga natigil ang trabaho dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.