-- Advertisements --
PRESDUTERTE
President Duterte

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang siyam na pagamutan na tinanggihan ang mga pasyente ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Sa kaniyang national address nitong Huwebes, sinabi nito na may mga patakaran na dapat sundin sa pagtanggap ng mga pagamutan ng kanilang pasyente.

Dagdag pa nito na ang mga pagamutan ay lugar para sa mga may sakit kaya dapat gumawa sila ng paraan kung paano maresolba ang problema.

Pinagahahanda rin ng pangulo ang mga pagamutan na maglaan ng silid para sa mga taong nadapuan ng COVID-19.

“Ospital kayo, you are the sanctuary of the sick. You do not choose the ailment of the patient you are accepting. It is simply not within your power. Kaya maghanap kayo ng paraan on how to deal with the problem,” wika ng pangulo.

Maging ang mga crematorium ay binalaan ng pangulo na huwag samantalahin ang pagkakataon sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang mga presyo.