Duterte gestures
President Rodrigo Duterte

Sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalaya ng mga may-edad na at may sakit na inmates ng New Bilibid Prison.

Ayon sa pangulo na hihilingin niya sa Department of Justice (DOJ) na pabilisan ang pagpapalaya ng nasabing mga inmates.

Iginiit nito na hirap ng makagawa pa ng anumang krimen ang mga may edad na at may sakit na inmates.

Noong 2017 ay nabigyan ng executive clemency ni Pangulong Duterte ang mahigit 100 convicts na karamihan ay may edad na at may sakit.