Posibleng ang claim ng ilang KAPA members na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbunsod para tuluyang ipasara ng president ang naturang investment group.

Ayon kay Securities and Exchange Commission (SEC), may nakarating sa kanilang tanggapan na sinasangkalan din ang pangalan ng chief executive sa pag-iral ng nasabing investment group.

Hindi naman ipinagtaka ni Aquino ang nasabing hakbang dahil pati ang relihiyon ay una na ring nagamit sa modus operandi ni KAPA founder Joel Apolinario.

Ang KAPA ay ipinakikilala ng grupo bilang ministry, habang ang investment ay tinatawag nilang donasyon at ang return of investment naman ay blessings.