-- Advertisements --

Naging matagumpay ang ginawang pagbisita ni US President Donald Trump sa Doha, Qatar.

Paglapag pa lamang ng kaniyang Air Force One ay isang red carpet welcome ang bumungad sa kaniya.

Sinalubong siya ni Qatari Emir Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani kung saan nagkaroon sila ng bilateral meeting.

Sa ginawang pulong ay inanunsiyo ni Trump ang $96 bilyon na kasunduan kung saan bibili ang Qatar ng mga 210 Boeing jet na gawa sa US.

Una rito ay bumisita si Trump sa Saudi Arabia kung saan ilang bilyon dolyar na investment ang kaniyang nakuha.

Ipinagmalaki rin ni Trump na siya lamang nag pangulo na nagdala ng ilang bilyon na mga investments sa US.