-- Advertisements --

Naghahanda na si US President Donald Trump para sa pagbisita niya sa Saudi Arabia.

Sa Mayo 13 ang dating ni Trump sa Saudi Arabia kung saan makakapulong niya si Crown Prince Mohammed bin Salman.

Nakatakda rin itong dumalo sa summit ng mga gulf leaders sa lungsod sa Mayo 14 bago magtungo sa Qatar.

Sa pagtatapos ng kaniyang ikatlong araw ay magtutungo siya sa United Arab Emirate (UAE).

Ilan sa mga prioridad na pag-uusapan ay ang ekonomiya at pagdagdag nag investments ng Saudi sa US.

Ang Saudi Arabia ay unang bansa na binisita ni Trump mula ng ito ay umupo sa puwesto.