Duterte naia
President Rodrigo Roa Duterte

Nagpaabot nang pakikidalamhati ang Malacañang sa gobyerno ng Japan dahil sa pananalasa ng bagyong Hagibis.

Magugunitang nasa mahigit 30 na ang patay at marami ang napinsala sa pananalasa nang nasabing bagyo.

Sa mensaheng ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaabot ito ng pakikisimpatiya sa mga mamamayan ng Japan na nasalanta ng bagyo.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ipinagdasal ng Pangulo ang mabilisang pagbangon ng Japan.

“On behalf of the Filipino people, President Rodrigo Roa Duterte expresses his deep sympathy to the people and government of Japan for those who perished, were injured, or found themselves homeless in the aftermath of the stongest typhoon to hit Japan in decades,” ani Panelo sa kanyang statement nitong gabi ng Linggo.

Inatasan na rin niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipag-ugnayan sa Japanese foreign ministry para sa anumang tulong na maaring maibigay ng Pilipinas.

Ang Japan ay malapit ang pagkakaibigan sa Pilipinas at host ng maraming mga OFW.

flood japan typhoon hagibis
Floods in Japan due to typhoon Hagibis (photo from Twitter posts)