-- Advertisements --
Hindi ikinaila ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdarasal din siya para hindi atakehin ng ISIS ang bansa.
Isinagawa niya ang pahayag kasabay ng oath-taking ceremony ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang kagabi.
Ayon sa Pangulo na kapag umatake ang mga ISIS ay tiyak na magkakaroon ng matinding pinsala sa bansa.
Kung maaari aniya ay huwag sana ito gawin sa panahon niya at tiyak na hindi ito papayag na basta-basta lamang.
Nauna rito kaya inilagay ng Pangulo sa martial law ang Mindanao ay dahil sa pag-atake ng Maute group na nagpahayag ng suporta sa ISIS.