Aminado ang Department of Justice na hindi nito maaaring isantabi o di’ kilalanin ang ilalabas na resolusyon ng Kataas-taasang Hukuman ukol sa mga petisyon may kinalaman sa pagkakaaresto ni former Pres. Rodrigo Duterte tungo The Hague, Netherlands.
Ayon mismo kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, sakali man mayroon ng ilabas na desisyon ay kinakailangan nila itong sundin.
Bukod sa ehekutibo, aniya’y ang Korte Suprema lamang ang tanging may kapangyarihan na mapigilan ang implementasyon o ang pagsuko sa mga pinangalanan kasabwat ng dating pangulo sa kanyang ‘war on drugs’.
Kung kaya’t kung ipag-utos nitong huwag nang ipatupad ang pag-surrender o pag-aresto sa mga perpetrators, pagtitiyak ng kagawaran sila’y susunod rito.
Gayunpaman, mariing inihayag ni Justice Spokesperson Martinez na ‘executive prerogative’ pa rin kung papaano aaksyunan ang patungkol sa isyu.
Maliban kasi sa pagresolba ng Korte Suprema sa mga nakabinbin petisyon, ikinukunsidera din ng kagawaran maging ang relasyon ng bansa sa Internasyunal na komunidad at pagiging miyembro ng INTERPOL o International Criminal Police Organization.
Subalit sa kabila nito’y pinanindigan ang posisyon hihintayin muna ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman bago gumawa ng anuman hakbang sakali mag-isyu ng arrest warrant ang International Tribunal.
Habang kanyang nilinaw na sa kasalukuyan ay wala pa rin silang natatanggap na kopya ng naturang warrant laban sa mga pinangalanan co-pepretrators ni former Pres. Duterte.
Dagdag pa ng tagapagsalita, posibleng ma-contempt ang mga opisyal na hindi susunod sa ilalabas na kautusan o desisyon ng Korte Suprema hinggil sa isyu.
Maari aniyang maharap o managot ito sa aksyon nitong gagawin sa oras na sila’y atasan o isyuhan ng direktiba.
Kabilang sa mga pinangalanang co-perpetrators ay sina Sen. Bong Go, Sen. Bato Dela Rosa, former Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at iba pa.















