Nagbigay pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nanay sa bansa at sa iba pang bahagi ng mundo na nagdiriwang ngayong araw ng Mother’s Day.

Sa isang video message na posted sa Facebook page ni senatorial candidate Bong Go, binati ni Pangulong Duterte ang mga nanay at nagpaabot din ng kanyang wish sa mga ito.

Batid daw ng punong ehekutibo ang paghihirap ng isang ina para sa sariling pamilya dahil nasaksihan niya ito sa kanyang sariling ina na si Soledad.

“I know how is it to be a mother because may nanay ako at nakita ko ang hirap at ginhawang ginawa niya para sa pamilya niya. Pero mabuhay kayong lahat mga nanay,” ani Duterte.