Hindi na matutuloy ang pagpunta sana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao del Sur partikular sa munisipalidad ng Malalag at Padada ngayong hapon.

Sinabi ni Sen. Bong Go, masama ang pakiramdam ni Pangulong Duterte kaya minabuting hindi na itutuloy ang pag-iikot sa mga biktima ng lindol.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Sen. Go kaugnay dito pero inihayag lang nitong kailangan ni Pangulong Duterte magpahinga ngayong araw.

Bukas naman umano inaasahang itutuloy ang pagbisita ni Pangulong Duterte doon.

Magugunitang nakatakda sanang magbigay ng financial assistance si Pangulong Duterte sa magkahiwalay na munisipalidad.

Inaasahang mag-aabot din sana ng food packs ang kanyang kampo sa mga pamilya.