-- Advertisements --
Duterte with PNP chief

Handa umanong magbigay si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ng malaking intelligence fund na magmumula mismo sa kanyang tanggapan para magamit sa mas maigting na intelligence work laban sa mga drug lords.

Sinabi ni Pangulong Duterte, may nakahanda ng P50 million na maaari niyang ibigay para magamit sa intelligence operations ng PNP upang masugpo ang talamak pa ring illegal drugs trade.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang pondo ay paghahatian ng mga pulis base sa kanilang ranggo.

Kasabay nito, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga pulis na gamitin ng tama ang pondo para matapos na ang problema sa iligal na droga.

“So I’ll give you enough money for intelligence work. Spend it so that you can solve the problem. Magbibigay ako ng intelligence fund. Just enough. At ako naman, tawagin ko lahat kung sino ‘yung mga tao — I give it in front of everybody. There is 50 million there. You divide it amongst yourselves. According to rank pero ibigay mo sa lahat,” ani Pangulong Duterte.