Mariing nagbabala at nagpaalala ng Bureau of Immigration sa publiko na mag-ingat at huwag agaran papadala sa anumang uri ng panloloko o scam abroad.
Batay kasi sa impormasyon ng kawanihan, marami pa rin sa mga Pilipino ang nabibiktima ng mga organisadong ‘scam operations’ sa ibang bansa.
Ito’y sa kabila o kahit paulit-ulit at patuloy ang pagpapaalala ng Immigration partikular sa pagdami ng mga kaso ng ‘trafficking’ at ‘fraud schemes’.
Ayon sa kawanihan, walong Pilipino nanaman ang na-repatriate buhat nang mabiktima sa ibang bansa; may edad ang mga ito mula 20 hanggang 30-taon gulang.
Naloko o naengganyo ang mga ito sa pamamagitan ng online recruitment at offers ngunit pagdating ay sapilitang pagtatrabahuhin sa ilegal na gawain.
Kung kaya’t hinimok ni Immigration Comm. Joel Anthony Viado ang publiko na iberipika muna ang mga ‘overseas employement’ sa tamang ahensiya ng gobyerno.
















