Hindi matutuloy ang pagbisita sa isla ng Boracay ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito ay sa kadahilanan ng pagdami ng kaso ng nadadapuan ng coronavirus disease o COVID-19.

Ililipat na lamang ang nasabing pagbisita nito sa mga susunod na araw.

Magugunitang nakatakdang bumisita sa isla ng Boracay ang pangulo para tignan ang isinagawang rehabilitasyon sa isla.