Inimbitahan ng gobyerno ng Iran si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa kanilang bansa.

Ang nasabing imbitasyon ay ipinarating sa pamamagitan ng bagong ambassador ng Iran sa Pilipinas na si Alireza Tootoochian.

Sinabi pa nito na naging maganda ang relasyon ng bansa sa Iran kaya ikinatuwa ito ni President Hassan Rouhani.

Nauna rito pinasalamatan ni Pangulong Duterte si iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei dahil sa pag-pardon sa mga Filipino na nakakulong sa Iran.