ASEAN Gala Duterte Trump
ASEAN gala dinner with US President Donald Trump and President Rodrigo Duterte (file photo by pool, Nov 12, 2017)

Wala pa umanong katiyakan si Pangulong Rodrigo Duterte kung matutuloy ba ito sa biyahe sa US.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dahil sa mas malamig ngayon ang US kaysa sa Russia kaya hindi pa matiyak kung matutuloy ang Pangulo sa binabalak na pagtungo nito.

Kung maikukumpara aniya na kaya pang tiisin ng Pangulo ang lamig sa Russia ng ito ay nagtungo noong nakaraang mga linggo subalit hindi pa matiyak kung makakaya ba nito ang mas malamig na temperatura sa Amerika.

Sa ngayon aniya ay ipinapaubaya niya ang desisyon sa Pangulo kung papaunlakan ba niya ang imbitasyon ni US President Donald Trump.