Reading Time: 1 minute
Duterte podium speech
President Duterte

Handang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon kapag napatunayang nagpabaya sa muntikan ng pagpapalaya kay rape at murder convict Antonio Sanchez at ilang tinaguriang drug traffickers at high profile prisoners.

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go, bilang dating aid ng pangulo, inatasan ng pangulong Duterte ang imbestigasyon sa nasabing usapin.

Nais kasi ng pangulo na mapanagot ang sinumang dapat managot.

Hindi naman sinagot ng senador kung ililipat ba sa ibang posisyon si Faeldon.

Magugunitang hindi sang-ayon din ang pangulo sa pagpapalabas kay Sanchez at ng malaman ang balita ay agad na inatasan si Faeldeon na pigilan ito.