Nagpapatuloy ngayong araw ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte 35th ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Summit and Related Summits sa Bangkok, Thailand.

Una sa dinaluhan kaninang alas-8:30 ng umaga ang 22nd ASEAN Plus Three Summit sa IMPACT Exhibition and Convention Center, at 7th ASEAN-US Summit bandang alas-10:30.

Bandang alas-11:45 naman ang Special Lunch on Sustainable Development at mamayang ala-1:30 ng hapon ang 14th East Asia Summit.

Ganap na alas-4:35 ng hapon ang bilateral meeting kay Japan Prime Minister Shinzo Abe na susundan ng pagdalo sa 22nd ASEAN-Japan Summit bandang alas-5:30.

Pinakahuli ang 3rd RCEP Summit bago ang closing ceremony, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Samantala, nilinaw ng MalacaƱang na nasa maayos ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng bigong pagkakasama ni Pangulong Duterte sa family photo ng ika-22 ASEAN Plus Three Summit.

Sinabi ni Sec. Panelo, nahuli ng ilang minuto si Pangulong Duterte dahil dumaan muna ito sa comfort room (CR).

Ayon kay Sec. Panelo, wala namang dapat ipag-alala ang publiko at wala pa ring pagbabago sa schedule ng pangulo.

Dadalo pa rin aniya si Pangulong Duterte sa mga kaganapan ngayong araw para sa nagpapatuloy 35th ASEAN Summit gaya ng una nang nakatakda.