DeEd Briones Rodrigo Duterte IATF Bong Go

Muling binigyang halaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang radyo para gamitin ng mga mag-aaral ngayon ipinagbabawal pa ang face-to-face para sa maiwasan ang posibleng hawaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa kaniyang public address nitong Lunes ng gabi, ramdam ng pangulo na maraming mga mag-aaral ang walang access sa internet kaya mas mabuti na gumamit ng radyo para makipagsabayan ang mga mag-aaral.

Plano din aniya nito na magbigay ng mga transistor radio sa mga estudyante na walang kakayahan sa internet access.

Nauna ng sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na hindi na dapat ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.