Nabili ni NBA star Kevin Durant ang bahagi ng Major League Soccers na Philadelphia Union.

Aabot sa 1% hanggang 5% ang minority stake na nabili ng Brooklyn Nets player.

Hindi naman binanggit ng kampo nito kung ang investment niya ay personal o sa pamamagitan ng kumpanya nito na Thirty Five Ventures.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na sinubukan ni Durant na sinubukang bumili ng MLS club dahil noong nakaraang dalawang taon ay binalaki nitong bumili ng bahagi ng DC United sa Washington.