-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin si NBA star Kevin Durant dahil sa mga nasambit nitong masasamang salita sa kaniyang social media.

Ayon sa Brooklyn Nets superstar nagkaroon lamang sila ng hindi pagkakaintindihan ng actor at komediyanteng si Michael Rapaport.

Dagdag pa nito, mismong si Rapaport ang naglabas sa publiko ng mga palitan nila ng salita sa social media.

Nagbunsod ang nasabing alitan ng dalawa ng kutyain ni Rapaport ang ipinakitang kilos ng dating NBA Most Valuable Player sa isang post-game television interview noong Disyembre.

Dahil sa nasabing insidente ay inulan siya ng mga masasamang mensahe ni Durant.

-- Advertisement --

Inilabas naman ni Rapaport sa kaniyang Twitter ang mga screenshot ng mga masasamang salita ni Durant.

Pinatawan na rin ng multa ng NBA si Durant.