Reading Time: 1 minute
kevin durant kd
Kevin Durant

Dadaaan sa iba’t-ibang pagsusuri si Golden State Warrios star Kevin Durant dahil sa injury nito.

https://www.youtube.com/watch?v=Zd5lXcuzRFw

Ayon kay Warriors president of basketball operations Bob Myers, sasailalim ang kanilang MVP sa mga pagsusuri gaya ng Magnetic resonance imaging (MRI) para makita kung gaano ka-grabe ang kaniyang injury.

Umaasa ito na hindi gaano ka-grabe ang natamo nitong injury.

Ang calf injury ay unang natamo nito sa laban ng Warriors sa Houston Rockets noong Western Conference semifinals.

Sa mahigit na isang buwang hindi paglalaro ay nanumbalik si Durant sa Game 5 NBA finals kontra Toronto Raptors kung saan agad itong inilabas dahil sa iniinda pa rin nitong injury.