-- Advertisements --

Umapela si Health Sec. Francisco Duque III sa Senado na maging patas sa ginagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng kontrobersya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Panibagong banat ito ng kalihim matapos siyang isali ni Senate President Vicente Sotto III sa listahan ng mga pinakakasuhan dahil sa umano’y iregularidad sa loob ng state-run health insurance.

“These are not normal times and it is not easy for me to just accept all the blows hurled at me. I attended the Senate hearing to cooperate with the Senate in ascertaining the truth.”

“I am disappointed though that the Senate has recommended the filing of charges against me.”

Binigyang diin ng kalihim na hindi siya pumirma o kasali sa naging deliberasyon ng kinikuwestyon ngayon na Resolution No. 2515 ng PhilHealth noong March 31.

Ayon kay Duque, si Pangulong Duterte lang ang makapagsasabi kung mananatili siya sa pwesto. Ito’y kahit naka-disenyo pa ang findings ng Senate inquiry para matanggal siya sa DOH.

“If my service is no longer need, I will go but I will clear the name of my father first because I have not casued any injury to the government and to the Filipinos.”

“We may have differences in policies, but I continue to do my duties despite the attack made against my person. Tanging hangad ko po ay magtrabaho ng marangal.”

Una nang sinabi ng kalihim na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga otoridad. Pero hamon nito sa mga mambabatas ng Mataas na Kapulungan, maging patas.

Nitong araw humarap sa hiwalay na pagdinig ng House of Representatives si Duque kaugnay din ng kontrobersya sa PhilHealth.